Date: Sun Nov 30, 2003 1:55 am
Subject: happy 50 tv the concert: grabeeeeeeeeeeee!!!
ang ganda ng fireworks!!!
yun lang! hehe...
misao
(di ako makapaniwalang nakita ko si VIC at JERRY kahit ganito lang
sila kaliit: .
yes, ga-tuldok lang, malaki pa ang kuko ko sa pinkie. pero naman!!!
ang saya talaga at ang swerte ni AI-AI napunasan nya ng pawis si VIC
at kinurot pa sa pwet, niyakap and nahalikan si JERRY... hehe... ai
zai ai ni... yao ding ni... sakit pa rin ng throat ko! sobrang gwapo
pala talaga kahit malayo heheh... grabe talaga. la ko ma-say...
haaaaaay :P~)
**********************
1:40 am
november 30
kakatapos lang ng concert!
*********
mabuhay!
mahal ko kayo!
ang saya-saya!
(yan ang mga binaggit nina barbie, dee, vic and jerry kanina lang)
to start with,
here's the details
barbie and dee arrived last friday and sina vic and jerry last saturday morning.
concert venue: the fort - sobrang lawak!
tickets are still available (nakakainis sabi nila sold out na daw 500, eh bakit ang luwag-luwag pa...pwede ka pa ngang mag-badminton habang wala pa concert proper!)
sabi 12nn bukas na gate.yes, true naman.kasi almost 4pm na kami nakadating sa venue and yet ang luwag-luwag ni isang langgam na nakapila wala so ang daling makapasok...very good talaga!
then leah, text us and we met her crowd.
others, di ko na nakita...sensya na...except for elena!
i think mga 6pm ata un or 6:30pm...nagkaron ng film showing...naks libreng sine parang naalala ko yung sa quiapo before...ang palabas - ang tanging ina...ok naman di ko pa naman sya napapanood eh.pero hirap atang manood ng nakatayo...so nakaupo kami sa grounds...
di ko na masabi full details...sila na lang mag-comment...
para sakin wagi sina:
-->john "sweet" lapuz for the opening ceremony ba yun or opening prayer or welcome remarks!
-->opening number ni ai-ai with matching translations in relations sa mga ticket holders...bravo...
-->pagsulpot ni mr suave himself, vhong navarro...truly lang nabuhay ang crowd
-->ang husay talaga ni andrew e, mag-rap!
-->ang galing din ni bayani...biro mo nabuhay crowd sa kanya...
-->magaling na loveteam sina bayani at ai-ai - sana maisip ng channel 2 gawan sila ng comedy film together!
-->mga costumes ni ai-ai...hanep wala akong masabi!
eto...eto na!!!!
cute na cute na sisters ang ASOS
-->barbie, ang ganda nya talaga.kahit chinese kanta nya buhay ang crowd...pati na din sa sis nyang si dee...lalo na nung pinasigaw nyang i love u, asos! hehehe...sobrang bait nilang sisters!!!grabe!!!
-->paglabas pa lang ni vic, nagkagulo na.ang crowd nabuhay! na namatay few hours ago hehehe.isa lang masasabi ko sa knya habang kinakanta nya mga songs nya...na tunay pala syang tao...akala ko fiction lang sya.pero nakita ko sa screen ang mga facial expressions nya.panalo! ang pogi...pamatay ika nga!in fairness, he is really a good-looking...siguro matured na talaga siya.and firm na body nya ha!
-->talaga naman ang bongga ng entrance ni jerry...biro mo galing sya sa taas? anong oras kaya siya umakyat dun?grabe na sya ah.talagang grand entrance habang nag-opening ng yao ding ni.sabi ko sa inyo makanta lang yao ding ni,kuntento na ako at syempre solve na buhay ko.grabe natulala ako ilang minuto habang kumakanta sya eh.his songs made him more and more good looking...biased ba?sensya na me kanya-kanyang favorites ba...pero favorites ko silang lahat.i mean grabe as in.makita ko lang sya sa stage ang saya...biro mo nasa pinas sya at kumakanta...tao nga din pala sya.hehehe!
yung iba,hayaan ko na sila ang magpost nun.
gusto ko kanya-kanyang experiences.
para masaya!
si misao, hanggang paguwi, speechless eh.tinamaan...natulala...pati ako.ewan ko anong mapost nun!
kayo na bahala dito ha!
kayo na magkwento!
pagod na ako eh
di ko lam ano sasabihin ko at san ako magsisimula.up to now, na-carried away ako sa yao ding ni!!!!!
till here
good morning sa inyong lahat
mitch, ur moderator!
crazy over jerry!and vic is so gorgeous...mind u!
No comments:
Post a Comment